22 Anyos Na Ako
Kuya, 22 anyos na ako
kaya ko na ang mabuhay ng solo
Wag mo sanang hadlangan ang gusto ko
Sige, ikaw ng bahala rito
Paalam ate, wag kang lumuha
kabisado ko ang buhay Maynila
balang araw sisikat din ako
abangan mo na lang sa peryodiko
Cecilia ko, aking mahal
pagdasal mo ako sa maykapal
Hindi kita malilimutan
tawirin ko man ang ilang karagatan
*Ako'y babalik sa ibang araw
ako'y kakatok na lang sa inyong pintuan
kahit ano pa man ang mangyari
mahal ko kayong lahat lagi nyong tatandaan
Paalam... paalam.paalam na lang sa inyo 3x
Inay Itay, wag kayong mag alala
kung akala nyo ako ay bata pa
kaya ko na rin ho ang mag-isa
sige ho't lalakbayin ko'y malayo pa
No comments:
Post a Comment